Generations
Conrad de Quiros writes about our friend Erika in his column today: Generations. This is the third Inquirer article featuring Erika. First was Ramon Farolan's The gift of Erika, then the mother's day article, then finally de Quiros'.Young radical Karl has three recent interesting entries: on the wealth of some party-list reps, on CHEd's "uselessness", and on the church's attack on The Da Vinci Code.
Inquirer editorial 'Extermination' slams Raul Gonzales' statement daring the Batasan 5 to just "go back to the mountains".
The extra-judicial killings targeting activists are really outrageous. Another one killed in Pangasinan. The number of victims according to KARAPATAN now reaches 585.
In line with this, Tonyo exposes Norberto Gonzales and Fr. Romeo Intengan's (hardcore anti-communists) lies and pretensions in the international community to be "social democrats."
Speaking of Bert "Unggoy" Gonzales, Teo Marasigan's Kritika reminded me of Gonzales' kalokohan a few months ago.
Duwag ang Batasan 5? Noong binantaang aarestuhin ng Senado si Gonzales dahil
sa bulok na kontrata ng gobyerno sa Venable LLP, nagsakit-sakitan siya,
nagpatakbo sa ospital, at idinahilan ang sakit para maligtas. Alam ni Gonzales
na tama para sa isang grupong pampulitika na umiwas sa pagkakadakip. Ang totoo, marangal para sa Batasan 5 na mga hamak na mambabatas ang ginawa nila: Ginamit ang mga alyado sa gobyerno at ang batas para makaligtas. Si Gonzales ang duwag: Ginamit ang gawa-gawang karamdaman.
Here's the whole article by Marasigan, May 7, 2006:
KRITIKA
Teo S. Marasigan
Biglang-Isip
(1) ?What?s wrong with this picture?? Tanong ito sa pabalat ng huling labas ng magasin ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ). Nasa harapan ito ng larawan, kinuha marahil noong Pebrero 24, ng martsang kapit-bisig nina dating Pang. Cory Aquino at Sen. Loi Estrada ? kasama sina Jinggoy Estrada, Franklin Drilon at iba pa. Alam natin ang tinutukoy na ?mali? ng PCIJ: Na ang mga dating magkalaban ? tampok noong panahon ng rehimeng Marcos at Estrada ? ay ngayo?y magkakampi. Sentimyento ng panggitnang uri: ?Mali? ang salawahan at balimbing na paga-alyansa ng mga pulitiko.
Malulusaw ang ganitong ideyalismo ? hindi nostalgia sa nakaraang katulad lamang ng ngayon ? sa pagbabalik sa mga batayan ng pagkakaisa ng angkan ng dalawang pinaka-popular na presidente pagkatapos ni Marcos: Pandaraya sa halalan, katiwalian, kasinungalingan at matinding paglabag sa karapatang pantao. Dahil ipinagpapalagay na mas ?malinis? siya sa pagkakamali, si Aquino ang mas binibira ng ganitong tanong. Pero tiyak na nasa panig ng tama si Aquino ngayon, dahil kinukumpirma ng paghahambing ni Arroyo kay Estrada ang batas ng patuloy na pagsahol ng krisis at kalagayan ng bansa.
Sa puntong ito ng paglaban ng dalawang dating pangulo ? at oo, masasama ring mga pangulo ? sa pangulong namumuno ngayon sa panahon ng mas matinding krisis at kalagayan ng bansa, dito makikitang tanong din ang: ?What?s right with this picture??
(2) ?Komunistang Duwag? ang titulo ng maliit na polyetong ikinalat sa mga istasyon ng MRT noong May 1. Nilagdaan ng ?Mamamayan Ayaw sa Komunista? (MAK), tinutuligsa nito ang ?kaduwagan? ng tinaguriang ?Batasan 5? ? ang limang kongresistang mula sa mga progresibong party-list. Parang ipis daw na nagtago sa ?kadiliman ng mga sulok-sulok ng Batasan? sina Ocampo, Mariano, Maza, Virador at Casiño dahil ?naduwag? madakip ng gobyerno. Dati raw ay ?malakas ang loob nilang pagsamantalahan ang demokrasya at gamitin ang batas laban sa mga opisyal ng gobyerno? ayon sa pahayag.
Nagmumula at tumutungo ang ganitong mga argumento sa mga anti-komunista sa bansa. Para sa mga taong ito, ang mga komunista ay hindi pwedeng umiral sa lipunang demokratiko at hindi rin pwedeng gumamit ng mga umiiral na batas. Una sa kanila ang pagiging anti-komunista, hindi ang pagiging taguyod ng demokrasya o batas. Katulad ng mga relihiyosong papatay ng mga hindi naniniwala sa Diyos, matatanggap lamang nila ang pagpapahayag kung hindi nito hahamunin ang itinakda nilang hangganan nito. Kahit pa ang ipinaglalaban ng isang grupo ay kalubusan ng demokrasya at ng diwa ng batas.
Marami sa mga grupong maka-Kanan at anti-komunista ngayon ay kaisa ng Batasan 5 sa paglaban sa rehimeng Arroyo. Iisa ang tampok na kalaban ng Batasan 5, galit na galit dito, maka-Arroyo at maraming pondo para maglabas ng polyeto: Ang grupo ni National Security Adviser Norberto Gonzales, ang Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas (PDSP). Dating anti-Marcos si Gonzales na ngayon ay nasa likod ng mga taktikang mala-Marcos ng rehimeng Arroyo. Sa dami ng pinapatay na mga lider-aktibista sa parehong pamamaraan, hindi na maikailang pananagutan ito ng rehimeng Arroyo.
(Rurok ng tapang niya ang imungkahi sa pulong ng gabinete, para raw matapos ang rebelyon sa bansa, na ipapatay si Prop. Jose Ma. Sison. Kapag namatay si Sison at may dugo sa kamay niya, mag-ingat siya sa posibleng yakap ng isang suicide bomber.)
Duwag ang Batasan 5? Noong binantaang aarestuhin ng Senado si Gonzales dahil sa bulok na kontrata ng gobyerno sa Venable LLP, nagsakit-sakitan siya, nagpatakbo sa ospital, at idinahilan ang sakit para maligtas. Alam ni Gonzales na tama para sa isang grupong pampulitika na umiwas sa pagkakadakip. Ang totoo, marangal para sa Batasan 5 na mga hamak na mambabatas ang ginawa nila: Ginamit ang mga alyado sa gobyerno at ang batas para makaligtas. Si Gonzales ang duwag: Ginamit ang gawa-gawang karamdaman. Sino nga naman ang makikipagtalo sa tawag ng kalikasan?>>>
Sumulat sa tsmarasigan_kritika@yahoo.com
And what the....? Shoutmix (our free shoutbox) is scamming our site by popping up ads. Anybody can help us stop this?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home