Thursday, February 08, 2007

Ang Krisis ni Walden Bello

KRITIKA
Teo S. Marasigan

(This article is being reposted from email. Previously, Walden Bello, a reformist, anti-NatDem personality announces his candidacy for a party-list representative in Congress, citing the killings of ND activists as his main motivation. This is hypocritical and blatantly opportunist as Walden and his party are known as one of the forces who bad-mouth the ND left and tag them as front groups of the CPP-NPA.)

Ang pangalan ni Walden Bello, bilang akademiko at aktibista, ay laging kadikit ng krisis. Katulad ng presensiya ng doktor, ang pangalan niya ay sintomas na hindi maayos ang mga bagay-bagay: Krisis ng neo-liberalismo, liberal na demokrasya, maka-korporasyong globalisasyon, estratehiyang pangmilitar ng US, at iba pa. Ngayong nagdeklara siyang tutulong sa pagbibigay ng lunas, nalalantad na nasasadlak siya mismo sa isang krisis.

Nitong nakaraang mga linggo, idineklara ni Bello sa sanaysay na kumalat sa internet ang pagtakbo sa Kongreso bilang nominado ng Akbayan! Citizens Action Party. Bakit daw? ?Dahil gusto kong magkaroon ng plataporma para kondenahin at labanan ang patakaran ng pamamaslang na tinanganan ng militar ng Pilipinas laban sa mga aktibista at mamamahayag.?

Sinabi niyang mahigit 700 ang mga pinaslang, gayung mahigit 800 na ang bilang. Sinabi niyang ang dalawang estudyanteng dinukot ng hinihinalang mga militar ay mula sa departamento niya sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang totoo, isa lamang.

Kung anuman, sa dulo ng sanaysay ay humingi si Bello ng suporta ? na malinaw na nakatuon sa dayuhang mga foundation, organisasyon at indibidwal na sa pagkakaalam ng marami ay lagi ring kadikit ni Bello at mga kauri. Ang suporta, aniya, ay ?kritikal at puwedeng mangahulugan ng kaibahan ng tagumpay at kabiguan? sa halalan.

Sa isang banda, malaki ang potensiyal na kumita nang limpak-limpak ng tambalang ito: Heto ang isang akademiko?t aktibista na sikat sa progresibong mga organisasyon sa daigdig. Heto naman ang pinakamainit na isyung pampulitika sa Pilipinas na nakabudyong sa mundo.

Mabilis ang tugon ng Kilusang Mayo Uno: ?Si Walden Bello at ang Akbayan ay doble-karang mga oportunista. Sa Pilipinas, pinasasama nila ang progresibong mga party-list bilang mga legal na prente ng CPP-NPA-NDF, ginagawa silang bulnerable sa mga atake habang sa labas ng bansa, nagpapanggap silang nagsusulong ng mga karapatang pantao at nagsasalita laban sa pampulitikang pamamaslang para makalikom ng pampinansiya at pampulitikang suporta.?

Itinala ng KMU ang mga pahayag ni Bello na nagdidiin sa progresibong mga organisasyon sa bansa bilang prente ng mga komunista.

Higit pa rito, gayunman, ang pagkakasangkot at paglahok ni Bello sa mga pakana ng Estado laban sa Kaliwa. Sa sanaysay na ?Ang Krisis ng Progresibong Kilusan sa Pilipinas,? sinang-ayunan niya ang pagtinging ang Marxismo ? at sa partikular, ang CPP-NPA-NDF ? ay ?walang maunlad na konsepto ng mga karapatan ng indibidwal? Kaya kung ang isang indibidwal ay pinaghinalaan o hinusgahang kaaway sa uri, siya ay wala nang likas na karapatan sa buhay, kalayaan, at paggalang, at kung ano ang mangyayari sa kanya ay nakabatay lamang sa taktikal na mga pangangailangan ng Kilusan.?

Nalathala ang sanaysay noong 1992, sa pagsusuri ni Bello sa krisis ng Kaliwa sa bansa noong mga panahong iyon. Sa mga pahayag na ito, sinasabi ni Bello na nakaugat sa batayang mga prinsipyo ng Kaliwa ang pagkakamaling nagawa nito noong dekada 80, ang pamamaslang sa mga kasapi nito. Sinasabi niyang walang maunlad na konsepto ng karapatang pantao ang CPP-NPA-NDF.

Ang pagtinging ito ni Bello, at ng ibang kasama niya, ang tinutuntungan ngayon ng rehimen para sabihing ang CPP-NPA-NDF ang may kasalanan sa mga pamamaslang, hindi ang militar at lalong hindi ang rehimeng Arroyo.

Sa aklat niyang On the Subject of the Nation [2004], maging ang intelektuwal na si Caroline S. Hau ay nag-uulat na noong 1989 ay naglabas ng panuntunan at patakaran ang pamunuan ng CPP sa ?pagbabantay sa indibidwal na mga karapatan? maging ng pinaghihinalaang mga espiya ng militar sa hanay nito: karapatang ituring na inosente hanggang mapatunayang maysala, magkaroon ng abogado at mag-apela, maiparinig ang panig sa pagdinig, harapin ang nag-aakusa at tumawag ng saksi. Dito, ?absolutong? ipinagbawal ang tortyur gayundin ang ?pagmaltrato at paghamak? sa mga inaresto.

Sadlak si Bello, samakatwid, sa krisis ng kredibilidad. Nagpapahayag siyang nais labanan ang patakaran ng pampulitikang pamamaslang, gayung mahalaga ang mga isinulat at sinabi niya sa propaganda ng rehimen at militar hinggil rito.

Lumahok si Bello hindi lamang sa pagtuturo sa makabayan at progresibong mga organisasyon bilang legal na mga prente ng mga komunista. Lumahok din siya sa pagpapasama sa imahe ng rebolusyunaryong kilusan ? na napatunayan na ng mga pangyayari na walang batayan.

Karapatan maging ng pinakabulok na mga pulitiko ang tumakbo sa halalan. Ang panlilinlang at oportunismo, gayunman, ay ilalantad at hahatulan ng mga mamamayan.
Sumulat sa tsmarasigan_ kritika@yahoo. com

1 Comments:

At 6:07 PM, Blogger Noel Sales Barcelona said...

Laging may nagkukunwaring makabayan at makamasa. Lalong maraming nagkukunwaring marxista. At isa si Walden Bello dun. Tsk. Keep it up, Mr. Marasigan!

 

Post a Comment

<< Home