Audio statement of a fugitive soldier
Mahabang panahon nang isinawalang bahala ang kapakananng karaniwang pilipino. Patuloy ang inyong pagtitiis sa kahirapan ng buhay at paghihikahos upang magkaroonng sapat na kita para sa ikabubuhay ng pamilya.Sa kabila nito umasa kayong bibigyan ng pansin nggubyerno ang inyong kalagayan ngunit kayo?y naging bigo.
Hanggang kailan ba tayo magpapaloko at magpapalipin sa gubyernong walang respeto sa pagkatao ng karaniwang Pilipino?
Hanggang kailan tayo magtitiis sa pasakit dulot ngpagsisinungaling, panlilinalang at pandaraya ng pekeng administrasyong Macapagal-Arroyo?
Ang tunay na kalagayan ng ating bansa aypagpapahiwatig ng pagkamatay ng halos walumpungmilyong pilipino na sumasalalay sa pagbabakasakalingang gubyerno, na siyang kumakatawang mekanismo para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang bawat pilipino aymagagampanan ang tungkuling ito.
Sa halip ginamit pa ang pondong pang-agrikultura nung nakaraang elekisyon para sa interes ng iilan kapalitng kalunos lunos na kalagayan ng magsasakang Pilipino.
At isa lang ito sa mga katotohanang pilit na itinatagoat pinagtatakpan.
Ang karaniwang hamon at panalalit ng mga naghaharing uri sa naghihirap na Pilipino ay kasipagan.
Kung masipag lang daw ang mga mangagagawa, magsasaka at lahat ng maralitang pilipino ay giginhawa ang buhay nila.
Sino pa nga ba ang hihigit sa kasipagan at tiyaga ng mga manggagagawa, magsasaka, mangingisda, at ng iba panating kababayan? Na kung maari nga lang ay dagdagan rin ang oras sa bawat araw para madagdagan din angpagkakaing maihahaag sa hapag kainan at hinde mawalanng tirahan?
At sa kabila ng walang katapusang pawis at pagod ay patuloy ang papagpapakahirap at pagpapasakit??
Isa lang ang dahilan ng patuloy na karalitaan:Ang patuloy na panloloko pagsisinungaling panadarya at kasakiman ng administrasyong macapagal-arroyo. Higitpa rito ang patuloy niyang pananatili sa kapangyarihansa kabila ng pagiging huwad nito.
Panahon na para mulit tayong magkaisa para alisin anghadlang sa paglabas ng katotohanan. Panahon na paramuli tayong manindigan at kumilos para ganap namakamtan ang hinahangad na pagbabago.
Ang kinabukasan natin, ng ating mga anak, at ng ating bansa ay nakasalalay ngayon sa inyon pasiya at dangalbilang isang mamayang pilipino at di sa isang taongipinagpalit ang kapakanan ng sambayana sa pansarilinginteres upang ipagpatuloy ang paninirahan sa loob ng malakanyang.
Sa nga susunod na araw ipakita natin ang hayagangpagkadismaya sa kasalukuyang huwad na adminsitrasyong macapagal-arroyo. Ipamalas natin ng buong lakas attapang ang ating nararamdamang pagkamuhi hinde lamangsa mga protesta sa kalsada kundi sa pagsusuot na rinng pulang tali sa kaliwang braso na sumisimbolo sa tunay na sentimyento ng mamamayang Pilipino.
Magmula sa araw na ito ay panatilihin nating isuot ang pulang tali upang ipakita sa kanya kung ano nga bangkatotohanan, at sa pamamagitan nito ay imulat natinang sarado niyang isipan. Ang pagbaba niya sa kanyang pwesto ay ang pinakamaayos na paraan upang masimulanang unang hakbang tungo sa tunay na pagbabago.
1ST. LT Laurence San Juan
0 Comments:
Post a Comment
<< Home