Friday, April 14, 2006

'Un-rebyu' ng rebyuhan sa mga bidyo-dokyung panlinlang


sa totoo lang, ayoko na sanang mag-post ng kahit ano tungkol sa 'Paglaban sa Kataksilan' at iba pang bidyo-dokyu ng AFP at gobyerno ni Arroyo. baka kasi sumikat pa, e wala namang nakakapanood at may interes na manood kundi ang mga avid-viewers ng channel 4, 9 at 13 (na sa totoo lang, sila-sila lang din naman).

pero dahil may bagong release na naman (Paglaban sa Kataksilan 2 nga ba ang pamagat nun?), naisip ko na ring 'patulan'. hindi sa kung anupamang layunin pero sabi nga ni rebyuwer sa pinakahuli niyang artikulo, "tatlong istasyon ng TV ang nagagamit ng gobyerno kaya maya?t maya na lang ay naipapalabas ang mga ?dokyumentaryo? na ito. Kaya hindi natin masisisi kung may mga karaniwang tao na makailang ulit na itong napanood, lalo na kung mahilig silang magpalipat-lipat ng istasyon. Isipin nyo, kahit pa labag sa loob nyo ang makabisado ang themesong ng Pinoy Big Brother, ano ba naman ang magagawa nyo kung kahit saang sulok na lang kayo magpunta, ito ang pinapatugtog?".


totoo, sa desperasyon ng gobyerno, mag-aaksaya talaga ito ng pera, rekurso at talento (baket, talento namang maituturing yung modulated/radyo-brodkaster na boses nung narrator kahit na hari siya ng monotono...) mabigyang-katwiran lang ang lahat ng mga paratang na iwinawasiwas nitong panlinlang sa mamamayan. kaya kahit na walang taste, boring at parang hindi pa naiimbento ang art sa pagkagawa at eksekusyon ng mga nabanggit na bidyo, hindi dapat seryosohin sa artistikang pamantayan, ika nga, seryoso at malagim pa rin ang implikasyon ng mga ito. at sa totoo lang, nagagamit na lisensya ng gobyernong Arroyo at AFP para sa tunay at ibayo pang 'kataksilan sa mamamayan.'

nasapul ito ni rebyuwer: "Hindi na nga bago ang ganitong propaganda ng gobyerno. Matagal na itong kinokondena ng mga rebolusyonaryong pwersa at maging ng mga progresibo na dinadawit ng AFP at gobyerno sa red-baiting at witchhunt laban sa mga komunista, at pinaghihinalaang komunista. Kumbaga, nakakasuka at nakakarindi na. Ang tendensya na nga, maging ng rebyuwer na ito, ay agad itong idismis bilang basura kahit hindi pa naman napapanood nang buo ang mga ?dokyu? para mahanapan man lang ng kahit kaunting artistikong merit bilang katubusan. (HAHAHA!)"

"Pwera biro, bagamat alam naman ng mga progresibo at rebolusyonaryo, gaya na lang ng organisadong hanay ng mga artista, manunulat at aktibistang pangkultura, kung ano ang ibig sabihin at gustong ipalaganap ng mga ?dokyu? na ito, mahirap ang maging kampante sa implikasyon at epekto nito sa masang manonood. Kung ang mga mulat ay madaling magsabi na ito ay basura, madaling isantabi at ?wag nang pansinin o patulan ang mga ?dokyu? na ito, hindi ganoon ang kaso para sa mas marami na hindi pa matalas o kritikal sa anumang nasasagap nila sa masmidya."

"Ang totoo nyan, hindi lang ito sa hanay ng masa. Dahil hindi naman pantay-pantay ang kamulatan natin, ang mga ?dokyu? na ito ay pwede pa ring maghasik ng kalituhan, takot at alinlangan sa hanay ng mga masasabi na nating organisado o mulat na. Kung tutuusin ay hindi lang naman mga bidyo-dokyu ng gobyerno ang kasali rito pero kumbaga, sa sopistikado at ?malikhaing? opensibang pangkultura ng imperyalismo at naghaharing-uri, ito na nga ang pinakagarapalan at pinakamagaspang na panlilinlang na ?maihahandog? nila sa atin."

pero di tulad ng ibang sulatin niya sa kanyang blog, malinaw ang disclaimer ni rebyuwer sa bagong entry niya, "Hindi ito rebyu."

sa halip, may ibinato siyang hamon sa mga kapwa niya manunulat at artista na huwag ipagkibit-balikat ang bagong venture na ito ng gobyerno : "Isa na nga sa pinakamahusay na paraan para labanan ang ganitong klase ng ?opensibang pangkultura? ay ang paggawa ng sariling ?dokyu? ng mga rebolusyonaryo at progresibo."

pero nakatuon pa rin ang mahigpit na responsibilidad ng pagpapaliwanag at paglilinaw di lang sa mga manlilikha kundi lalo na sa mga akitbista, organisador at progresibong mamamayang kontra-Arroyo. marami pa rin kasi ang 'walang bilib' sa bidyo, tula, awit atbp bilang mahusay na daluyan ng protesta. mas marami pa nga sila, kung tutuusin, kaysa sa ilang bilang na napapalaganapan ng tagisan sa bidyo at iba pang porma ng propaganda ng gobyerno at mga kaaway nito.

ang tunay na hamon? may ideya ang rebyuwer na ito.

2 Comments:

At 3:36 PM, Blogger Vencer said...

Dapat makagawa ng video na babaliktarin yung video na ginagawa nila. I-dub natin. :)

 
At 3:37 PM, Anonymous Anonymous said...

I-dub natin yung video nila. Gawin nating katawa-tawa. :)

 

Post a Comment

<< Home