Titser
KRITIKA ni Teo S. MarasiganTuwing nagsasara ang taong akademiko, madalas papurihan ng midya ang mga nagsipagtapos o graduates -- bihira ang mga guro nila, ang madalas nating tawaging 'titser'. Ngayong taon, natawag ang pansin ng publiko sa mga guro dahil sa nangyari sa isang estudyanteng Grade 2 sa isang pampublikong paaralang elementarya sa Taguig. Namatay siya, hinihinalang dahil nalason o tumindi ang tonsilitis at pneumonia. Pinakain kasi siya ng guro niya ng pinagtasahan ng lapis. Ayon sa balita, parusa ito sa kanya - dahil nagsabog siya sa sahig ng pinagtasahan ng lapis - ng guro niyang nagwawalis.
Sa isang banda, karugtong ang balitang ito ng popular na istiryutipo (stereotype) sa midya ng mga guro: naninindak gamit ang nalalaman, mahigpit mandisiplina sa mga estudyante, 'terror' kung tawagin, kinakatawan ni Ms. Tapia sa telebisyon at pelikula. Pero sa isang banda, taliwas ito sa pagtingala ng publiko sa mga guro dahil sa kanilang dunong, malasakit, at tatag sa harap ng mahirap pero marangal na propesyon. Alam ang pagtingalang ito ng kampo ni Gng. Macapagal-Arroyo, kaya sa gitna ng matinding krisis pampulitika, ginawa siyang guro isang araw sa harapan ng mga bata at midya.
Mabigat sa loob ang nangyari. Hindi ito krimen ng mga karaniwang kriminal sa ating lipunan na mayaman - negosyante, panginoong maylupa, pulitiko o mataas na opisyal sa militar - o karaniwang kriminal na mahirap. Isang guro ang nakapagdulot na mamatay ang isang bata. Ang naghahanda sa mga bata para sa kanilang kinabukasan ay nakapawi ng kinabukasan ng isang bata. Ang humuhubog sa isipan ng mga bata ay nakakitil sa isipan ng isang bata. Ang nagtuturo ng kabutihang-loob at asal sa mga bata ay nagpakita rito ng mabilis na pag-init ng ulo at ng padaskul-daskol na pagpapasya.
Pero higit pa rito, mabigat sa loob ang nangyari dahil kayang ilarawan ang buhay ng salarin. Malamang ay mahirap siya, hindi kasya ang sweldo para buhayin ang sarili at pamilya. Sang-ayon sa istiryutipo sa mga guro, pwedeng mayroon siyang sideline bukod sa pagtuturo. Lagi siyang pagod sa trabaho at minsan o madalas umiinit ang ulo sa mga problema sa mga pasilidad at estudyante. Pangarap niya ang magtrabaho sa ibang bansa bilang guro o kahit katulong. Nilalaspag ang katawan niya sa paaralan at bahay. Ang buhay niya, sa madaling salita at esensya, ay kahawig ng sa nakakarami sa bansa.
Hindi siya ia-abswelto ng paliwanag na kahirapan sa kanyang krimen. Pero hindi ito isyu lamang ng pag-init ng ulo at maling pagpapasya. O ng maling pamantayan sa mga nag-aaplay maging guro at sa mga guro mismo - katulad ng pinapalabas ng gobyerno. Isyu rin ito ng pagkasadlak ng isang guro - na maraming katulad, sang-ayon sa mga kwento - sa ganoong mentalidad o dispusisyon. At sapat na iyon: Na ang isang tagahubog ng kaisipan ng mga bata ay masadlak sa ganoong bigat ng loob, dilim ng pag-iisip, kitid ng kukote, at kalupitan sa bata. Sapat na iyon para maging isang isyung panlipunan.
Hindi lang dahil hindi matatawaran ang halaga ng guro sa anumang lipunan - na siyang pangkalahatang pagtingin sa mga guro. Ang mismong estudyanteng namatay ay nangarap maging guro. Sinasabing pasimuno siya sa 'titser-titseran' ng mga bata sa kanilang komunidad na ipinapatawag niya pagkatapos ng klase. Katulad niya, marami sa atin ang nangarap maging guro - at doktor, abugado, bumbero, karpintero - noong bata. Bihira sa atin noong bata ang nangarap maging stock broker, ahente ng call center o real estate o may-ari ng bangko na pangarap ng maraming nakakatanda ngayon.
Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang bungkos ng trabaho. Sa mata ng bata, ang nauna ay direktang tumutulong sa kapwa at nakakapagpasaya, malaki man o maliit ang kita. Ang ikalawa naman ay mga trabahong hindi direktang tumutulong sa mga tao, tiyak na may malaking kita, at nakakapagpasaya lang kapag ipinambibili na ang kita. Malinaw sa dalawa ang pipiliin ng mga bata: Nasa paglilingkod sa kapwa ang kaligayahan ng tao, hindi sa pagkamal ng kita o pananaig sa ka-kumpitensya. Prinsipyong sosyalista ito na malalim na nakatanim sa pagiging guro, gayundin sa mga pangarap natin noong bata.
Pero hindi ang kategorya ng kaisipang ito ang mahalaga. Mas mahalaga ang kung paanong ang mga pumipili sa una - sa paglilingkod at pagtulong sa kapwa - ay pinapatay ng lipunan. O kung paanong itinutulak sila ng lipunang ito na pumatay - bunsod man ng pagkabusabos o desperasyon o ng paglahok sa isang rebolusyon.>>>
Sumulat sa tsmarasigan_kritika@yahoo.com
13 Comments:
Ang sabi ng sigaw ng bayan, gagamitin nila ang comelec na mangasiwa ng plebesito na ipasa ang chah-cha sa pamamagitan ng mga lagda na nakuha nila sa mga barangay. Wala na raw pabuluhan ang mataas at mababang kapulngan ng kongrso sapagkat di ito sangayon o makupad kumilos.
E ri-riles na naman ang sambayanan. Pakakainin tayong lahat ni gloria ng tasa ng lapis dahil makulit tayong lahat at di sumasangayon sa mga kagustohan niya.
Open Letter To Our Leaders
Dear Tita Cory, Senators, Congressmen, Businessmen, Media people, Leftists, and all Bleeding Hearts Out There:
I am angry. And I know that there are many out there who are angrier than I am for the same reason. And that reason is simple. I am sick and tired of all you guys claiming to speak for me and many Filipinos. I feel like screaming every time you mouth words about fighting for my freedom and my rights, when you obviously are just thinking about yours. You tell me that the essence of democracy is providing every citizen the right to speak his or her mind and make his or her own informed judgments, but you yourselves do not respect my silence and the choices I and many others have made. In other words, your concept of democracy is limited to having your rights and your freedoms respected, at the expense of ours.
I am utterly flabbergasted that you still do not get it: we already responded to your calls, and our response has been very clear - we chose not to heed your calls to go to EDSA or to Fort Bonifacio not because we do not love our country or our freedoms or our rights, but precisely because we love our country even more. Because quite frankly, we are prepared to lose our freedoms and our rights just to move this country forward. You may think that is not correct, you can tell me all the dire warnings about the evils of authoritarian rule, but quite frankly all we see is your pathetic efforts to prop up your cause. You tell me that you are simply protecting my freedoms and my rights, but who told you to do that? I assure you that when I feel that my rights and my freedoms are at a peril, I will stand up and fight for them myself.
You tell us that GMA is not the right person to lead this country because she has done immoral acts. As someone who sees immorality being committed wantonly in many ways every day and by everyone (yes, including the ones you do), I may have become jaded. But you have not been able to offer me any viable alternative, while GMA has bent over backwards many times to accommodate you while continuing to work hard despite all the obstacles and the brickbats you have thrown her way. From where I sit, she is the one who has been working really hard to move this country forward while all of you have been so busy with one and only one thing: to make sure she does not succeed. So forgive me if I do not want to join you in your moral pissing contest. Forgive me if I have chosen to see things from another perspective. You say she is the problem. I say, we are the problem, more to the point, I think you are a bigger problem than she is. Taking her out may solve part of the problem, but that leaves us with a bigger problem: you. That is right, YOU!
While I felt outraged that she called a Comelec official during the elections and that she may have rigged the elections, I have since then taken the higher moral ground and forgiven her. Yes my dear bishops, I have done what you have told me to do since I was a child, which you say is the Christian and moral thing to do: forgive. Especially since she has asked for forgiveness and has tried to make amends for it. Erap certainly has not apologized and continues to be defiant, continuing to insult us everyday with his protestations. Cory has not apologized for her incompetence but we have forgiven her just the same because like GMA, she has worked hard after all.
I know you do not think that GMA's apology was not enough, or that she was insincere, or that that apology should not be the end of it, but please spare me the hypocrisy of telling me that you do so for the sake of protecting the moral fibre of society. The real reason is because you smell blood and wants to go for the kill.
Well, I have news for you. I do not like her too. I did not even vote for her. I voted for Raul Roco. But as much as I do not like her, I do not like you even more. I may not trust her, but guess what, I do not trust you even more.
You know why? Because all you do is whine and sabotage this country. You belittle every little progress we make, conveniently forgetting that it is not just GMA who has been working so hard to achieve them. Every single day, we keep the faith burning in our hearts that this country will finally pull itself out of the mess and we work so hard to do that. Every little progress is the result of our collective effort, we who toil hard everyday in our jobs. Yet, you persist in one and only thing: making GMA look bad in the eyes of the world and making sure that this country continues to suffer to prove your sorry point. In the process, you continue to destroy what we painstakinly try to built. So please do not be surprised that I do not share your cause. Do not be surprised that we have become contemptuous of your antics. You have moved heaven and earth to destroy her credibility, you have convened all kinds of fora and hearings and all you have done is test our patience to the core. For all your effort, you have only succeeded in dragging us further down. I say enough.
Don't get me wrong. I am not asking that we take immorality lying down, or that we let the President get away with anything illegal. But you have tried to prove your accusations all these time and you have not succeeded, so it is time to let things be. Besides, you are doing something immoral as well if not utterly unforgivable. The Magdalo soldiers are consorting with the communists - the same people who have been trying to kill democracy for years. Cory has been consorting with Erap and the Marcoses.
So please wake up and take a reality check. In the absence of true and genuine moral leadership, many of us have decided to cast our lot with the President, even if we do not like her. A flawed leader is better than scheming power hungry fools who can not even stand up for their convictions in the face of an impending arrest.
Your coup attempts and the denials that you have consequently made only underscore what we think is true: you are spineless and unreliable people whose only defense is to cry suppression when your ruse do not work. You are like bullies who taunt and provoke, but cry oppression when taken to task for your cruelty.
I would have respected you if you took the consequences of your actions like real heroes: calmly and responsibly instead of kicking and screaming and making lame excuses. You say you are willing to die for us, that you do all these things for the country and the Filipino, but you are not even willing to go to jail for us.
Come on, you really think we believe that you did not want to bring down the government when that is the one and only thing you have been trying to do in the last many months?
We love this country and we want peace and progress. Many among us do not give a f*&k who sits at Malacanang because we will work hard and do our share to make things work. If you only do your jobs, the ones that we elected you to do, things would be a lot simpler and easier for every one.
The events during the weekend only proved one thing. You are more dangerous and a serious threat to this country than GMA is. We have seen what you are capable of doing - you are ready to burn this country and reduce everything to ashes just to prove your point. If there is something that we need protection from, it is protection from you.
From:
http://bongaustero.blogspot.com/2006/02/open-letter-to-our-leaders.html
see ma'am sarah's reply to bong austero's funny attempt at self-defense.
I saw that Bong Austero sa TV. He is a conceited guy who dishes out his pro-Gloria and conservative views with such moralistic fervour. Pangit pa. Yuck! Magkano bang kinita mo diyan, pare? Calculated pa ang views para magmukhang boses ng middle class: Kesyo ibinoto si Roco, etc. Middle-class my ass! Sana naman kung gagawa ng ganyang pakana ang dirty tricks department ng Malacanang, kumuha sila ng taong hindi mukhang bayaran at mukhang mabuting tao. May mahahanap pa ba sila noon? Times are so bad kahit ang ganitong mga cheap shots ng Malacanang ay ipino-post kung saan-saan. Baka naman tauhan din iyan ng Malacanang.
Bong Austero's open letter is for losers.
Talagang ganyan ang takbo ng buhay ngayon. Itong si Austero ay himig oportunista. Tingnan niyo yang mga pankaraniwang mamamayan na ayaw sa kurapsyon ni GMA, walang mapapala sa sumandaling panahon, sa huli ang gracia, samantalang itong si austero ay malamang na mabigyan ng medalya ni GMA at malamang na maging isa sa mga magnanakaw at mapagsamantalang tuta, kung hindi man siya ay lihim na tauhan ni GMA.
Mahirap man gawain, kailangan na manatili tayong totoo sa ating damdamin laban sa mga katiwalian.
Austero is right - he was speaking for himself and himself alone.
Or maybe he voiced out the few hundreds of pro- GMAs who have been paid... just like those who signed for CHACHA.
Money - its the root of all evil I tell you....
ganito na ba mag-isip ang "youth" ngayon? pag taliwas ang isang tao sa kanilang paniniwala ay agarang tatatakan na bayaran, tanga, bulag, o apathetic?
tanong lang po nakita niyo na ba blog ni mr. austero?
sana lang ay kilalanin muna ninyo bago kayo manira.
sana lang ay ang argumento ang pagusapan at hindi ang itsura ng taong nagpasimula nito.
wag nating kalimutan na iba-iba rin ang opinyon ng mga tao
sapagkat malaya tayong lahat maghayag ng ating paniniwala
"freedom of speech" ika nga.
pinaglalaban ninyo ito diba?
sana lang respetuhin natin ang paniniwala ng iba, kahit na di ito sumasangayon sa sarili ninyong paniniwala.
lahat tayo ay may karapatang magpahayag at magsalita. isa yan sa mga katangian ng isang demokrasya. respetuhin po natin ito kung ipaglalaban natin ang tunay na demokrasyang pilipino.
-----
^"Austero is right - he was speaking for himself and himself alone."
taliwas ito sa opinyon ng maraming tao sa ating bansa. tignan niyo palang sa ibang comments sa pcij blog(dun sa post kung saan unang lumitaw ang "open letter"), at sa mga comment sa blog ni mr. austero.
*"CPR" lang po, simpleng tao lang ako na umiikot sa mga blog; di po ako "bayaran ng Malacanang".
yun lang po.
Bakit, lahat ba ng nakasulat dito, paningin na ng mga may-ari ng blog at ng mga mambabasa? Sang-ayon ako: Pangit talaga si Austero. Kumita naman siya sa sinulat niya eh. Eh ano ngayon kung sabihan siyang panget? Mga aktibista ba ang salot sa demokrasya ng bansa? Eh kapag pinapasista ang mga rali, nag-aalsa ka ba? Walang demokrasya! Ang mayroon, diktadura ni Gloria! Kaya iyung mga bayaran, hindi dapat pinapalampas!
Wala namang kaibahan kesyo pangit o magandang lalaki si austero. Yan nga lang, pangit siya. Yan ang katotohanan. Wala tayong magagawa diyan.
Ngayon, sa tingin ng mga di sangayon sa sulat niya, pangit ang sulat. Sa kabilang dako, sa mga nagagandahan sa sulat ni austero, pangit pa rin si austero. Kaya kung pangit, pangit.
What pangit says is what pangit does. Iyan po naman ang masasabi ko.
you can't tolerate everything that someone says. i could say "Filipinos are brown little idiots." and wave the banner of "freedom of speech." you wouldnt like that because its racist and generalizing. you would certainly defend your own countrymen from that sort of irrational statement. bongs austero assumes that those who voice their opposition against GMA "are ready to burn this country and reduce everything to ashes." i would readily defend my fellowmen against this same sort of generalization.
Puro Pangit nababasa ko ah...
Ano ngayon kung panget? Is that an intellectual argument?
obviously, hindi. hindi na nga argument, intellectual pa kaya?
Post a Comment
<< Home